Family Law: Voidable or Annullable Marriages in the Philippines

A voidable marriage is one which is annullable. A marriage that is annullable is valid until otherwise declared by the court (Niñal vs. Bayadog [2000]). A marriage may be annulled by the court for any of the following exclusive causes:

  1. That the party in whose behalf it is sought to have the marriage annulled was 18 years of age or over but below 21, and the marriage was solemnized WITHOUT the consent of the parents, guardian, or person having substitute parental authority over the party, in that order, UNLESS after attaining the age of 21, such party freely cohabited with the other and both lived together as husband and wife;

  2. That either party was of unsound mind, UNLESS such party, after coming to reason, freely cohabited with the other as husband and wife;

  3. That the consent of either party was obtained by fraud, UNLESS such party afterwards, with full knowledge of the facts constituting the fraud, freely cohabited with the other as husband and wife;

  4. That the consent of either party was obtained by force, intimidation, or undue influence, UNLESS the same having disappeared or ceased, such party thereafter freely cohabited with the other as husband and wife;

  5. That either party was physically incapable of consummating the marriage with the other, and such incapacity continues and appears to be incurable (Impotency); and

  6. That either party was afflicted with a sexually-transmissible disease (STD) found to be serious, and appears to be incurable (Article 45, Family Code of the Philippines).

 …

It Pays To Know | Juan Knows

Advertisements

22 thoughts on “Family Law: Voidable or Annullable Marriages in the Philippines

  1. valid po ba or void na ang kasal kung ikinasal kmi 1996 at the age of 18 with parental consent at hindi n po kmi nagkikita more than 10 years 6months lng po kmi nagsama after ng kasal after that naghiwalay dhil binubugbog nia aq

    • Magandang araw! Opo, valid po ang kasal, kahit na nagsama lamang sila ng 6 na buwan at 10 taon na silang di nagkikita. Ang basehan ng bisa ng kasal ay nakadepende kung lahat ng essential at formal requisites ng kasal ay naroroon o present sa mismong sandaling nagpalitan ng kanilang “oo” ang ikinakasal. Mainam na i-check po nila ang mga nabanggit na essential at formal requisites ng kasal sa link sa baba:

      READ | Family Law: Essential and Formal Requisites of Marriage

      • Valid po ba or void ang kasal kapag ang nagkasal po ay municipal secretary? Both are legal age nmn po..kung void po anu po bang mga hakbangin ang dapat gawin para mapawalang bisa po iyun? At anu po ang mga dapat gawin?

      • Magandang araw! Depende po. Sa kadahilanang walang kapangyarihan ang isang municipal secretary na magkasal, walang bisa ang kasal simula’t sapul. Subalit, kung ang isa or pareho sa inyong ikinasal ay naniniwala in good faith sa mismong mga sandaling kayo’y ikinakasal na siya ay may kapangyarihang magkasal, may bisa po ang kasal. Kung pareho kayong may alam na wala siya ng nasabing kapangyarihan, o pareho kayong hindi naniniwalang siya’y may kapangyarihang magkasal, walang bisa ang kasal simula’t sapul. Kung walang bisa ang kasal simula’t sapul, kinakailangang mag-file sa kaukulang korte ng “Petition for Declaration of Nullity of Marriage”.

  2. Gud pm po ask ko lng po if valid ung kasal ko,indoneseian po ang husband ko at sa indonesia kmi nagpakasal muslim wedding po at sa bahay lng nlia ginanap ung kasal legal age nman po ako.di po register d2 sa pinas valid po kya ung kasal namin d2 sa pinas

  3. Ask ko lang po kung valid o invalid po ba ang ngpakasal uli gayong kasal sya sa una nyang naging asawa pero wala na silang naging communication ng una nyang naging asawa mula ng nag abroad ito at di nrin ngpakita pa sakanya kaya nagpakasal sya uli sa iba valid po ba na matuturing ang pagpapakasal nya uli sa iba o in valid ang kasal nila?

    • Magandang araw, Void ab initio po na maituturing ang nabanggit ninyong kasal sa kadahilanang ito ay bigamous yamang ang “pagpapakasal niya uli sa iba” ay ginanap “gayong kasal sya sa una nyang naging asawa” at hindi naman ipinawalang bisa sa korte ang una niyang kasal bago ginanap ang pangalawang kasal.

      • Ask ko po uli kung valid pa rin po ba ang marriage nya sa una gayong 20years na mhigit na wala na silang communication at di na sila nagkita pa ng una nyang asawa mula ng nag abroad ung asawa nya at nabalitaan nalang nya na nag asawa na ito sa ibang bansa kaya di na muling nagpakita pa sakanya. Eh hindi naman po napawalang bisa sa korte ang marriage nila. Kung void po ang marriage nya sa pangalawa maaari pa po ba syang magpakasal ngayon? Gayong 10years narin silang hiwalay ng pangalawa nyang naging asawa kung void nman ang kasal nya dito? Salamat po.

      • Magandang gabi! Opo, valid pa rin sa ilalim ng batas ng Pilipinas ang kasal niya sa unang asawa kahit na mahigit 20 taon na silang walang komunikasyon at di nag-kikita at kahit pa nakapangasawa na ng iba sa ibang bansa ang nasabing una niyang asawa. Hindi kinikilala ng batas ng Pilipinas ang bisa ng kasal niya sa ibang bansa. Kinakailangang ipawalang-bisa muna niya ang kasal sa unang asawa bago siya makapangasawang muli. Maging ang pangalawang kasal niya ay kinakailangan ding ipawalang-bisa muna bago siya magpakasal ngayon kahit 10 taon na rin silang hiwalay ng pangalawang asawa. Kung sakaling, magpakasal siya sa pangatlong pagkakataon, ang kasal na ito ay wala ring bisa sa mata ng ating batas.

  4. Sir juan tanung ko lng po lun valid po ba yun kasal namin kasi po nung kinasal kmi 16 years old lang po yun boyfriend ko ako po ay 19 years old.dinaya po un edad nya instead of 16 ginawa pong 18 dun sa marriage certificate.at sa marriage cert po ay mali din po spelling ng pangalan nya kaya po kun ikukumpara po un birth cert at marriage cert ay di po tugma.7 years na po kaming hiwalay at may kinakasama na po sya at magkakatoon na po sila ng anak.gusto ko lng po malaman kun void po b kasal namin.gusto ko na po kasing mapawalang bisa yun kasal namin.maraming salamat po at more power!!!

    • Magandang araw, Bb. Cheng! Opo, Void Ab initio po ang inyong kasal sa kanya. Ito ay walang bisa simula’t sapul sa kadahilanang ikinasal kayo na hindi nasa tamang legal na edad ang inyong Mister sa araw ng kasal. Dahil siya ay 16 taong gulang nang araw na iyon, nangangahulugang wala siyang legal capacity para magpakasal sa mata ng batas noong araw na ikinasal kayo. Samakatuwid, Void ab initio ang kasal. Hindi po kayo kasal, sa madaling sabi. Magkagayunpaman, marapat na magfile kayo sa hukuman ng “Petition for Declaration of Nullity of Marriage” para tuluyang ipawalang-bisa ang kasal. Tanging ang hukuman lamang ang may kapangyarihan para tukuyin kung may bisa o wala ang isang kasal. Kayo na ikinasal sa isang Void ab initio na kasal ay di binibigyan ng permiso ng batas para husgahan sa inyong sarili na walang bisa ang inyong kasal. Bago ipataw ng hukuman ang hatol nito sa pagpapawalang-bisa ng kasal, ang inyong kasal ay, sa mata ng publiko at ng batas, di maikakailang may bisa. Sa madaling sabi, kung sinuman sa inyo ang magpakasal muli halimbawa habang hindi pa napapawalang-bisa ng hukuman ang inyong Void ab initio na kasal, ay mananagot pa rin siya sa batas at maaaring kasuhan ng Bigamy. Nang katulad, kung sinuman sa inyo ang magtaksil at may kinakasamang iba, maaari din siyang kasuhan ng Adultery o Concubinage nang naaayon sa batas.

  5. Hello po,may tanung po aku about Sa marriage namin,kinasal po aku noon n ang idad ko plng 18,ung asawa ko nman 22 Peru wala po pirma Ng patents ko,parents LNG Ng husband ko ang nakapirma,tanung ko po valid ba ung kasal nmin?

    ,

    • Hi, Ms. Edz! Ang bisa ng inyong kasal ay naka-depende kung matapos mong tumuntong ng ika-21 taong gulang ay patuloy kayong nanirahan at nagsama ng iyong mister bilang mag-asawa. Kung oo, VALID po ang inyong kasal. Kung hindi naman, hindi VALID at puwedeng ipawalang-bisa ng korte ang inyong kasal PERO, sa ganitong kaso, dapat mong na-file sa korte ang “Petition for Annulment of Marriage” sa loob ng limang taon matapos kang tumuntong ng ika-21 taong gulang.

  6. Good day sir, may tanong po ako. meron akong gf ngayon na gusto kong pakasalan kaso po kasal na po sya, Pero po ang problema yung asawa nya dinoktor ung pangalan nya. Ibang pangalan po yung ginamit nya sa kasal nila, false document (dinoktor) yung NSO na ginamit nya sa kasal nila. Ano po dapat gawin kasi gusto ko po pakasalan ung gf ko, void po ba yung kasal nila

    • Magandand araw! Valid po ang kasal sa pagitan ng iyong GF at ng kanyang asawa. Sa kabila ng pagdoktor sa pangalan ng iyong GF sa kanyang NSO na ginamit niya sa kasal, hindi pa rin ito sapat para ipawalang-bisa ang kasal nila MALIBAN na lamang kung may iba pang mga circumstances na nag-udyok sa iyong GF para sumang-ayon, KAHIT NA LABAG SA KANYANG KALOOBAN, para baguhin ang kanyang pangalan at kalaunan gamitin ito para mapasinayan ang naganap na kasal. Kung ang pagsang-ayon sa kasal ng iyong GF ay nakuha sa pamamagitan ng “force”, “intimidation”, o “undue influence” halimbawa, ang kasal kung gayun ay maaaring ituring na voidable lalo na kung ang iyong GF at ang kanyang asawa ay hindi nagsama sa iisang bubong matapos mawala ang mga nabanggit na nag-apekto sa kanyang pagsang-ayon sa kasal. Sa kabilang banda, Kung total at buong-buong napilitan lamang ang iyong GF na magpakasal, maaari namang ituring na void ang kasal na naganap. Samakatwid, hangga’t di napapatunayan ang mga nabanggit na circumstances sa hukuman, mananatiling valid ang kasal nila sa mata ng batas.

  7. May bf po ako. At gusto po sana namin magpakasal. Kaso nung 19 years old pa lang po sya ay nagpakasal sya sa isang babae 21 years old. Pinakasalan nya po ito kasi nabuntis nya. At sa pagkasal po sakanila sa munisipyo, dinoktor daw po ang age nya at ginawang 21. Wala pong birth certificate na pinakita sa nagkasal sakanila. Basta binasbasan po silang mag asawa sila without supporting documents aside sa Marraige Contract na pinirmahan nila at peneke ang edad na nilagay doon. Masasabi po bang LEGAL yung kasal na naganap sa kanila. Almost 16 years na po ang nakalipas simula ng sila ay maghiwalay. Ano po ba ang dapat naming gawin para maging legal kami sakaling magpakasal po kami?

    • Magandang gabi po! Opo, VALID po ang kasal na naganap sa pagitan ng inyong BF at ng kanyang Misis. Kung edad ang ating pagbabasehan, nasa tamang edad na po siya at ang kanyang Misis noong ikinasal sila. Subalit, base sa iba pang mga pangyayari na nabanggit mo, maaaring ituring na VOIDABLE MARRIAGE ang kasal nila. Ibig sabihin, ang kasal nila ay VALID hanggang ideklara ito ng korte na HINDI VALID. Maaaring pasok sa unang ground ng voidable marriage ang kaso ng inyong BF. Para ipawalang-bisa ng korte ang kanilang kasal, mahalagang mapatunayan ng BF mo na, noong ikinasal siya, ay (a) 18 taong gulang siya o higit pa subalit hindi lalagpas sa 21 taong gulang, AT (b) ang kasal ay ginanap na walang pagsang-ayon ng kanyang magulang, o guardian, o taong may substitute parental authority sa kanya, ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod. SUBALIT, sa kabila ng mga nabanggit, kung ang iyong BF pagtuntong niya ng 21 taong gulang, ay malayang nanirahang kasama ang kanyang Misis bilang mag-asawa, MANANATILING VALID ang kanilang kasal kahit na maghiwalay pa man sila kalaunan. Ang pagdoktor sa kanyang edad sa Marriage Contract ay hindi sapat para mapawalang-bisa ang kanilang kasal. Ang tanging epekto lamang nito ay panagutin sa batas ang taong nagdoktor ng kanyang edad. At saka, tandaan na ang Marriage Contract kung ikukumpara sa Marriage License ay nagsisilbi lamang na pinakamainam na ebidensiya ng kaganapan ng kasal at hindi ng bisa o pagiging valid nito. May tatlong paraan para maging legal kayo kung sakali mang magpakasal kayo sa hinaharap: (a) ideklara muna ng korte na void ab initio ang unang kasal ng iyong BF bago kayo ikasal, o (b) ideklara muna ng korte na voidable ang kanyang unang kasal bago kayo ikasal, o (c) makapagbago ng citizenship ang BF mo o ang kanyang Misis at makakuha ng diborsyo sa pinaroonang banyagang bansa na nagpapahintulot sa alin man sa kanila na makapangasawang muli.

    • Hi, Mr. Jethro! Firstly, I would like to stress that there is NO absolute divorce in the Philippines so seeking to dissolve a marriage is a tedious process and one which is frown upon by our State given our high regard for the sanctity of marriage. Nevertheless, for people seeking to re-marry again like you, you may have two options, either you file a (a) “Petition for Declaration of Nullity of Marriage” in case your marriage is void, or (b) “Petition for Annulment of Marriage” in case your marriage is voidable. Take note that void marriages and voidable marriages are different. It’s best that you sit down with your lawyer and review the grounds for filing either of them as these grounds are likewise different. The grounds enumerated in this post are for voidable marriages. You may also check the link below to see if your circumstances fall in any of the grounds for void marriages:

      READ | Family Law: What are Void Marriages in the Philippines?

Let Us Know Your Thoughts

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s